Advertisers
Sa dami ng mga fake news na kumakalat, naliligaw at naguguluhan ang taumbayan kung ano at sino talaga ang totoo.
Ang fake news ay kadalasan nakikita at nababasa sa social media kung saan naka-post ito sa Facebook o you tube at iba pang outlet.
Sa situwasyong ito, walang ibang nagdurusa kundi ang madlang people na umaasa lang sa balita nilang nakikita at naririnig.
Kapag lumaon ay napapag-alaman nila na ang kanilang nabasa ay fake news pala na walang basehan at gawa-gawa lang ng mga vlogger na nag-post nito.
Pawang Inbento lang at kuro-kuro lang pala ito ng mga vlogger at walang katotohanan.
Talaga nga namang mae-engganyo ka at magiging kuryoso kang basahin ang nilalaman ng fake news na ito.
Sa titulo pa lang ay napakalakas at siguradong magugulat ka pero kapag binasa mo na ay ibang-iba ang kontextong nilalaman nito.
Istilo daw anila ito n g mgva vlogger upang dumami ang viewers nila at sa ganon ay kikita pa sila.
Wala na rin daw silang magagawa dahil nabuksan na nila ang vlogg at matic na counted ito sa pangalan ng vlogger.
Ilan mga halimbawa ng ganitong istilo ay ang isyu ngayon kay Senator Bato de la Rosa na hanggang sa ngayon ay at large pa rin at kasalukuyan pang pinaghahanap ng awthoridad.
Ngunit sa kanilang mga vlogg ay ito ay nahuli na at kasalukuyang nakapiit sa kung saan.
Meron ding isyung pinasok ito ng mga awthoridad sa Isang private hotel sa Davao kung saan ito nasakote.
May isyu ring nakita daw si Bato na sinakay ng mga sundalo sa Isang private plane oatungo sa kung saan.
Sino nga naman ba ang hindi maa-atat na basahin ang ganitong klase ng balita, di po ba?
Sa kabila nito ay maaaring tatawa-tawa lang ang vlogger na nag-post nito at sinasabi sa kanyang sarili na may napa-ikot na naman siyang tao
Kung kaya’t ingat din tayo sa mga taong ito at huwag agad maniwala sa anumang kanilang sasabihin.
Piliin din natin ang media na talagang reliable source at talagang may direct access sa mga taong sangkot dito.
Nandyan naman ang print media tulad ng mga dyaryo at pahayagan maba-basa ninyo araw-araw.
Meron din naman tayong broadcast media tulad ng m,ga broadcaster sa radio at TV.
Biruin niyong maski pala anino ni Bato ay hindi pa makita at mahanap samantalang sa mga vlogger na ito ay arestado na at kasalukuyan ng nakapiit ang Senador.
Buti kung nakapiit lang dito, mas matindi ang isyung sinakay daw si Bato sa Isang private jet patungo sa the Hague hung saan sila magkikita ni dating Pangulong Digong Duterte he… he… he…
Paki-usap lang sa inyong mga vlogger, pakilubayan niyo na ang inyong pagpapantasya, pag-iilusyon lalo na ang inyong pagkahibang dahil nililigaw niyo lang at ginugulo ang isipan ng ating mga kaba-bayan.