Advertisers
SUMUKO na sa pulisya ang 36-anyos na lalaki na suspek sa paglaslas sa leeg at pagdukot sa kanyang 31-anyos na pinsang babae nang tumanggi itong makipagtalik kapalit ng P200,000 na uutangin sa Pulilan, Bulacan.
Ayon sa Pulilan Municipal Police Station, sumuko ang suspek Nobyembre 7 sa pakikipag-ugnayan ng mga awtoridad sa kanyang pamilya.
Naganap ang insidente Nobyembre 5 sa parking lot ng isang mall sa Pulilan, kungsaan nakipagkita ang biktima sa pinsan upang manghiram ng pera.
Batay sa imbestigasyon, hiniling ng lalaki na ma-kipagtalik muna ang pinsan bago nito ipahiram ang pera.
Nang tumanggi ang pinsan, nauwi sa kompronta-syon ang kanilang pag-uusap hanggang sa laslasin ng lalaki ang leeg nito.
Ayon kay Pulilan Police chief Lt. Colonel. Eric Cister, nagtamo ang biktima ng sugat sa leeg na kinailangang tahiin ng hindi bababa sa 15 beses.
Nang mapansin ng isang security guard ang kaguluhan, pinaharurot ng salarin ang sasakyan habang kasama ang sugatang biktima.
Nakarating ang dalawa sa Kennon Road sa Baguio City, kungsaan naubusan ng gasolina ang kanilang sasakyan.
Nagawa namang makatakas ng babae at humingi ng tulong nang umalis ang salarin upang maghanap ng gasolina.
Agad na nakipag-ugnayan ang Baguio City Police sa mga awtoridad sa Pulilan upang matunton ang lalaki.
Ayon sa pulisya, nahaharap ang salarin sa mga kasong frustrated murder, acts of lasciviousness at abduction.
Tumanggi itong magbigay ng pahayag kaugnay ng insidente.
Ligtas na ang biktima at nakalabas na sa ospital. Humiling din ito ng privacy habang nagpapatuloy ang im-bestigasyon.