Advertisers

Advertisers

VMP REGENERATIVE CLINIC, NANINDIGANG SUMUSUNOD SA MEDICAL STANDARDS; CRYSTAL JACINTO, NANAWAGAN NG PATAS NA PAG-UULAT

0 14

Advertisers

NANINDIGAN ang VMP Regenerative Clinic (VMP) na mahigpit itong sumusunod sa medical at regulatory requirements upang masiguro na tama, may kalidad at ligtas ang paggamit, pagtatago ng mga gamot na ginagamit sa mga pasyente nito.

Ang paglilinaw ay ginawa ng VMP kasabay nito ay pinabulaanan din ng nasabing kompanya ang alegasyon ng isang dating empleyado higgil sa maling paghawak ng medical products at diumanoy sa paggamot nf sterile water sa treatment ng mga pasyente.

“We categorically reject the allegations made by the former employee concerning the division or sharing of treatments. These allegations are entirely false and have no factual basis,” saad ng VMP sa isang pahayag.



Hindi na rin nagpigil ang presidente ng kompanya ang
socialite at businesswoman na si Crystal Jacinto para sagutin ang mga paratang laban sa kanya.

Umapela si Jacinto sa media na maging patas sana sa pagtrato sa isyu na ito sapagkat apektado na hindi lamang ang kanyang pamilya kung hindi ang mga pasyente na naniniwal sa serbisyong naibibigay ng VMP.



“Let’s all be fair, media. I will stand up for what is right, for the truth, for the VMP and most importantly for all of you,” ayon kay Jacinto sa kanyang video statement.

Sinisiguro ng VMP na pangunahing prayoridad nito ay ang kalusugan, kaligtasan at tiwala ng mga pasyente.



Ayon sa VMP, ang bawat treatment na ginagawa sa clinic ay maingat na inihahanda sa kada pasyente base sa German medical standards at strict clinical protocols.

“VMP Medical Inc., follows stringent medical and regulatory requirements to ensure that all materials are handled, stored and transported using appropriate medical-grade cold-chain systems designed to preserve product integrity and sterility,” dagdag pa ng nasabing kompanya.

Kinokondena rin ng nasabing kompanya ang mali at malisyong paratang sa kanila.

“Statements of this nature risk causing unnecessary fear and uncertainty among our patients, whose trust we value enormously,” dagdag pa nito.

Ilan sa mga serbisyo ng VMP ay stem cell therapy, regenerative procedure, hyperbaric oxygen therapy at collagen production.

May dagdag pa ding serbisyo para sa Advance Specific Immunotherapy (ASI) o gamot para sa autoimmune diseases at cancer.

Ilan din sa mga pasyente nito may Chronic Kidney Diseases ay gumaling.