Advertisers

Advertisers

300k wanted persons tinutugis ng PNP

0 18

Advertisers

NASA 300,000 indibidwal na may nakabinbing arrest warrant ang patuloy na tinutugis sa buong bansa, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Kabilang sa mga hinahanap ng mga awtoridad sina Senador Ronald dela Rosa, ex-Congressman Zaldy Co,ex-Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag at si Atong Ang.
“We are confident that we can achieve this goal because we have already shown that sustained and determined action can significantly reduce the number of wanted persons,” ani PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.
sBinigyang-diin ni Nartatez na saklaw ng kampanya ang lahat ng indibidwal na may nakabinbing warrant of arrest, anuman ang kanilang katayuan o posisyon.
Nang maupo si Nartatez bilang hepe ng pulisya noong Agosto 26, 2025, sinabi ng PNP na nasa 500,000 ang bilang ng mga wanted person sa database ng ahensya.
Bumaba na ito ng humigit-kumulang 200,000 matapos ang sunod-sunod na operasyon at pagkakaaresto sa mga pugante sa nakalipas na 14 buwan.
Noong Oktubre, nasa 8,839 wanted person ang naaresto sa buong bansa, kabilang ang 2,353 most wanted at 6,486 iba pang indibidwal.
Nanguna ang NCR Police Office sa dami ng naarestong wanted person sa 1,641, sinundan ng Police Regional Office 3 na may 1,503 at PRO 4A na may 1,317.