Advertisers

Advertisers

6 HOLDAPER SA NUEVA ECIJA TIMBOG SA BATANGAS

0 16

Advertisers

ANIM katao, na nanghol-dap sa isang convenience store sa Nueva Ecija, ang naaresto ng mga otoridad sa Sto. Thomas, Batangas nitong Miyerkules ng madaling araw.
Ayon kay Brigadier Gene-ral Jess Mendez, Regional Director Central Luzon, ang 6 na mga naaresto ay edad 19 anyos hanggang 22 anyos.
Naaresto ang mga suspek sa “ hot pursuit operation” sa boundary ng Alaminos, Laguna at Sto. Thomas bandang 1:00 ng madaling araw.
Sa report, 9:30 ng gabi nang pasukin at holdapin ng mga armadong lalaki ang isang Alfamart convenience store na matatagpuan sa Brgy. Pambuan, Gapan City, Nueva Ecija
Narekober sa mga suspek ang 4 baril, 4 granada, iba’t- ibang uri ng plaka ng sasaka-yan, at van wing get-away vehicle.
Patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad. (Mark Obleada)