Advertisers

Advertisers

PRIDYIDER NI JANICE DE BELEN NAKATATAK PA RIN SA PUBLIKO; REGAL AT BINGO PLUS NAGSANIB-PUWERSA

0 34

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

Apatnapung taon na ang nakalilipas pero nakatatak pa rin sa isip ng publiko ang ‘Pridyider’ episode noon ng ‘Shake Rattle & Roll’ kung saan bida si Janice de Belen.

Ayon kay Janice, “I never thought it would be that way!



“‘Coz I thought you know when the movie’s done, time has passed, parang okay na, nakalimutan na nila.

“But when people come up to say and to tell me that they watched ‘Pridyider’ and they were scared, parang, ‘Oh, may impact pala siya!’



“Di ba?

“Coz I thought what would stay would be ‘Anak ni Janice’, but Pridyider stayed on as well.”



Sa naturang 1984 film na pinagbidahan ni Janice ay isang haunted at isinumpang refrigerator ang naghasik ng lagim at takot lalo na sa mga nakapanood ng nabanggit na horror film na pinakaunang installment sa SRR film franchise.

Ang ‘Anak Ni Janice’ naman ay sumikat dahil sa 1988 film na Tiyanak na pinagbidahan ni Janice at nina Lotlot de Leon at Ramon Christoher.
Isa si Janice sa espesyal na bisita sa launch ng partnership ng Regal Entertainment, Inc. at Bingo Plus dahil ang ilan sa mga episodes ng SRR ay maaari nang laruin sa mga online games ng Bingo Plus.
Present sa launch sa Enderun Tent sa BGC ang tatlo sa mga bumida sa iba-ibang episodes ng SRR tulad nga ni Janice na pitong beses na naging artista ng mga SRR films, si John ‘Sweet’ Lapus na tulad ni Janice ay pitong beses na ring gumanap sa mga SRR stories, si JC de Vera na napanood na sa Emergency Room at Ahas episodes ng SRR.

At siyempre ay dumalo sa event ang mag-inang Roselle at Keith Monteverde na mga big bosses ng Regal.
Ang mga bagong games ng Bingo Plus na hango sa SRR franchise ay ang Undin, Aswang Fiesta, LRT Monster Boom, Reyna Ahas at Manananggal.