Advertisers
Ni Beth Gelena
Hindi na raw kayang panoorin ng ilang netizens sina Toni at Alex Gonzaga matapos mawalan ng gana sa magkapatid, na dati naman nilang hinahangaan at sinusubaybayan.
Sa isang post sa X, ibinahagi ng isang netizen ang matinding pagbabago ng kanyang pagtingin kay Toni. Aminado itong isa ang aktres sa pinakamalaking disappointment niya dahil dati ay talagang sinusubaybayan niya ang mga pelikula nito sa sinehan at maging ang mga vlog ni Alex.
Ani ng netizen: “Sabi ko matutulog na ako, pero nakita ko na naman itong si Toni G. Ewan ko ba, pero isa talaga siya sa biggest heartbreaks ko. Sorry, pero talagang nawala na yung amor ko sa kanya. As in, zero.
“Kung dati gustung-gusto ko silang magkapatid to the point na lagi akong nanonood ng movies ni Toni sa sinehan at vlogs ni Alex, ngayon, nasisira araw ko pag nakikita ko sila
“Religious kuno pero naging big part naman ng sistemang nagdala sa atin sa kadiliman at kasamaan.
Ngayon, kabaligtaran na raw ang nararamdaman niya. Aniya, nasisira ang araw niya kapag nakikita ang magkapatid.”
Isa raw sa mga dahilan ng kanyang pagkadismaya ang pananaw niya sa naging papel ni Toni sa politika. Kinuwestiyon din niya ang pagiging relihiyoso nito dahil para sa kanya ay hindi nagtugma ang ipinapakita nitong pananampalataya at ang naging political stand ni Toni. Partikular ding binanggit ng netizen ang isang inspirational message na ibinahagi ni Toni tungkol sa hindi pagmamadali sa buhay at paghihintay sa tamang panahon ng Diyos.
Grabe, ang ganda nung sinabi ni Toni G: “You know who likes to rush things in life? It’s the devil. He likes to rush things because his time is limited. Anything that rushes you is NOT God coz God takes His time.” So why does God wanted us to wait?
“Because God is never in a rush. He is more concerned with perfecting your character than rushing your blessings. It’s not just about what God gives you, but who you become while waiting for it. ”
After all this time, this is what I needed to hear.”
Bagama’t maganda raw ang mensahe, hindi na ito tumalab sa kanya dahil sa pagkadismayang naipon niya sa aktres.
Hindi naman siya nag-iisa sa ganitong pakiramdam dahil may mga sumang-ayon sa kanyang post.
May isang nagsabing simula nang mangyari ang isyu kaugnay ng pagsuporta ni Toni kay BBM, hindi na siya nanonood ng anumang content ng aktres.
Iisa naman ang nagsabing kapag nakikita niyang nanonood ang kanyang ina ng YouTube videos ng magkapatid, agad niya itong pinapalipat ng pinapanood.
Ang iba naman ay in-unfollow na raw nila ang dalawa sa social media at kapag lumilitaw ang mga ito sa kanilang feed ay agad nilang pinipili ang “Not Interested.”
Nakakalungkot daw dahil dati ay talagang hinahangaan nila sina Toni at Alex.
Maging ang iba nilang tagahanga ay sadyang nagbago na rin ng pagtingin sa sa magkapatid.
Mula sa pagiging avid viewers ng kanilang mga vlog, mas pinipili na ngayon ng mga ito na umiwas sa kanilang mga content ang iba pa nga raw ay nag-unscribe na rin sa kanilang social media platporms.
So meaning until unti nang nababawasan ng followers sina Toni at Alex.