Advertisers
Mariing tinututulan ng National LPG alliance of the Philippines ang mga panukalang guidelines ng Cylinder swapping Center.
Sa 1st public consultation cylinder swapping Center iginiit ni DOE director Reino Abad na kailangan may hahawak ng pribadong stakeholder ang mamahala sa cylinder swapping exchange program.
Ayon naman kay NLAP President JoJo Cruz dapat gobyerno ang mamahala sa cylinder swapping exchange program upang hindi ito mamonopolyo ng mapagsamantalang negusyante.
Iginiit ni Cruz dapat dumaan ito sa tamang proseso at hindi dapat private entity ang mamahala ng nasabing program dahil malaki ang magiging epekto nito sa mga consumers at small player ng LPG gas.
Tinatamfer din umano ng mga ilang stakeholder ang ibang tangke upang palitan ng tatak para umano unti unting maubos ang mga cylinder ng mga small player.
Samantala dumating din si VACC Chairman Boy Evagelista upang tugunan ang kahilingan ng mga small player ng LPG na bantayan ang 1st public consultation ng Cylinder swapping exchange program para mapigilan ang korapsyon ng nasabing programa.



