Advertisers

Advertisers

DA, bukas sa posibleng pagpapalawig ng 60-day pork import ban

0 18

Advertisers

BUKAS ang Department of Agriculture (DA) sa posibleng pagpapalawig ng 60-araw na pork import sa bansa upang maprotektahan ang lokal na industriya at matulungan ang mga magbababoy na makabawi sa kanilang mga lugi.

Ayon sa DA, ipinag-utos ng Pangulo na gawan ng agarang paraan ang pagpapabilis ng mga proseso sa ilalim ng provisional safeguard measures sa pagpasok ng mga imported na baboy.

Klinaro ng pamahalaan na ang hakbang na ito ay hindi para isara ang merkado, kundi upang mabigyan ng patas na pagkakataon ang mga lokal na magsasaka at magbababoy na kumita sa gitna ng mga hamon sa sektor.



Katuwang ang Bureau of Customs (BOC) at Department of the Interior and Local Government (DILG), patuloy na binabantayan ng DA ang sitwasyon upang masigurong nasusunod ang mga alituntunin sa hangaring wakasan ang pagkalugi ng mga lokal na prodyuser.

Iginiit ng ahensya na hindi magiging food secure ang bansa kung hindi kumikita ang industriya ng baboy, kaya kung kinakailangang palawigin pa ang suspensyon ng importasyon, gagawin ito ng pamahalaan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">