Advertisers

Advertisers

Tulfo, pinaiimbestigahan ang delikadong ‘spaghetti wires’

0 70

Advertisers

NAIS paimbestigahan ni Senador Raffy Tulfo ang mga nakalaylay, mabababang at hindi maayos na napapanatiling mga kable ng kuryente at telekomunikasyon o tinatawag na “spaghetti wires” na nagdudulot ng panganib sa publiko.

Sa kanyang inihaing Senate Resolution No. 776, sinabi ni Tulfo, chairman ng Senate Committee on Public Services na layunin ng imbestigasyon na matukoy ang mga kumpanyang responsable sa mga delikadong kable at ang pananagutan ng mga utility companies at kinauukulang ahensya ng pamahalaan.

Kabilang sa mga insidenteng binanggit ang pagkakakuryente ng isang Grade 3 pupil noong Abril 28 na nauwi sa pagka-putol ng dalawang kamay, pagkamatay ng mga motorcycle rider sa Cebu dahil sa nakalaylay na mga kable, at insidente sa Valenzuela City noong Agosto 2026 kung saan nahila nang ilang metro ang isang senior citizen na street sweeper matapos masabit sa kable ang isang delivery truck.



Binigyang-diin ni Tulfo na kailangang palakasin ang inspeksyon, maintenance at pagpapatupad ng mga pamantayan sa kaligtasan upang maiwasan ang mga katulad na trahedya.

Sisiyasatin din ang pananagutan ng mga electric distribution utilities, telecommunications companies, internet at cable service providers, contractors at mga ahensya ng gobyerno. Layunin din ng panukala na matiyak ang agarang pagtanggal o pagkukumpuni sa mga delikadong kable at mapanagot ang mga napabayaang nagdulot ng aksidente. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">