Advertisers

Advertisers

ALINDOG NI AIKO KAKAIBA!

0 32

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

Natanong ang VMX female star na si Aiko Garcia kung ano ang kaibahan ng Alindog ni Aiko sa ibang proyektong nagawa na niya.

“Ang kaibahan ng ating Alindog Ni Aiko ay dito niyo lahat mapapanood lahat-lahat ng maiinit na eksena na ginawa natin mula simula noong nagsimula ako sa VMX until now.”



Level-up siya dito?

“Hindi naman level pero lahat ng maiinit na eksena, parang sina-summarize natin para ibigay natin sa kanila lahat na wala ng fast forward, direk, ‘no”, ang tumatawang baling ni Aiko sa direktor ng Alindog ni Aiko na si direk Christian Paolo Lat.



Ano ang kaibahan ni Aiko sa ibang VMX actresses?

“Yung alindog ko kasi halong sexy na may kakulitan, na cute, so iyon yung sinasabi na irresistible, na ako yung makulit sa iyo so wala kang magagawa!”



Host si Aiko sa Alindog ni Aiko; ano ang mas madali para sa kanya, ang umarte sa harap ng kamera o ang mag-host?

“Magkaiba kasi yung approach niya so for me mas madali ang mag-host, oo.

“Pero siyempre mas nae-enjoy ko pa rin ang acting, kapag gumagawa ng actual movie.”

May nais pa raw gawin si Aiko bilang artista…

“May gusto akong gawin pero iyong gusto ko yung ayaw sa akin,” at natawa si Aiko.

“Gusto yung total performer.

“Pangarap ko iyon simula nung bata pa lang ako, yung kumakanta ako, sumasayaw ako.”

Sinubukan naman raw iyon ni Aiko.

“Tinry ko hindi siya for me,” at muling tumawa si Aiko.

“So focus na lang tayo sa acting.”

Si Aiko ang grand winner ng Pantaxa Laiya at ang Alindog ni Aiko ay isang special feature kung saan mas makikilala pa natin si Aiko at malalaman ang mga juicy trivia at never-before-heard facts tungkol sa kaniya!

Balikan din natin ang mga ‘di malilimutang eksena at pinakamaiinit na tagpo sa kaniyang mga pelikula, gaya ng Haliparot, Balinsasayaw, Maharot, Puri for Rent, Tawag ng Laman, Forbidden Desire, Papalit-Palit, Palipat-Lipat, at Ang Lihim ni Maria Makinang.

Muling maakit sa ganda at mahumaling sa kaseksihan ni Aiko!

Available na for streaming ang Alindog ni Aiko sa VMX.

Para mag-stream, punta na sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.