Advertisers

Advertisers

AiAi delas Alas, mas piniling bilangin ang mga biyaya sa kabila ng mga pagsubok

0 24

Advertisers

Ni Camille Guarin

Comedy queen na si AiAi delas Alas nagpahayag ng pasasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng isang social media post bilang pagdiriwang sa kanyang kaarawan.

Ayon kay AiAi, bagama’t may mga pinagdaanang pagsubok sa buhay na nakasakit sa kanyang puso, mas nangingibabaw pa rin ang mga biyayang natanggap niya, kabilang na ang kanyang mga anak, apo, at isang makabuluhang career.



Aniya, “Some chapters broke my heart, but other chapters gave me children, grandchildren, a fulfilling career, and a thousand reasons to smile. To God all the glory and honor. Thank you for the gift of life, Lord. Here’s to another year of grace and gratitude. Cheers.”

Amen to that, AiAi. More blessings to come.



***

Aarangkada na ang nation’s girl group na BINI kasama ang Japanese girl group na HANA and Thailand girl group na 4EVE sa “ASIA POP GIRL FEST 2027” sa SM Mall of Asia Arena sa Pebrero 19 (Biyernes), at mabibili na ang tickets para rito sa Ticketmaster.



Ibabalik ng festival ang BINI sa MOA Arena kung saan naganap ang kanilang dalawang sold-out shows noong Hunyo para sa kanilang “Signals World Tour.” Ngayon, makakasama ng P-pop phenomenon ang dalawang kilalang Asian girl groups para sa Manila leg ng unang edisyon ng festival.

Noong Abril 2025 pa lamang nag-debut ang seven-member group na HANA at umani na ng apat na no. 1 hits sa Billboard Japan Hot 100. Lumampas na rin sa 200 million streams ang kanilang breakout hit na “ROSE.”

Ang 4EVE naman ang kauna-unahang T-pop girl group na naging Spotify Global EQUAL Ambassador. Patuloy ang grupo na may pitong miyembro rin sa pagpapakilala sa buong mundo sa pamamagitan ng kanilang English album na “Glow” at pagsabak sa global musical festivals simula ng kanilang debut noong 2020.

Iikot sa tatlong bansa at ibibida ng “ASIA POP GIRL FEST” ang Filipino, Japanese, at Thai pop stars sa natatanging music festival mula sa pangunguna ng ABS-CBN, BMSG ng Japan, at XOXO Entertainment ng Thailand. Magsisimula ito sa TOKYO-BAY sa Chiba, Japan sa Enero 22 at 23, at tutuloy sa BITEC Live sa Bangkok, Thailand sa Pebrero 13.