Advertisers

Advertisers

Konsehala sa Rizal sinuspinde ang lisensiya sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho

0 25

Advertisers

SINUSPINDE ng Land Transportation Office (LTO) sa loob ng 90 araw ang lisensya ng isang konsehala sa Taytay, Rizal dahil umano sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho.
Ayon sa LTO, batay sa video na ibinahagi mismo ng konsehala sa kanyang Facebook page, makikitang kinukuhanan niya ang sarili habang nagmamaneho. Inaalis din niya ang isang kamay sa manibela upang sumayaw habang umaandar ang sasakyan.
Hindi rin umano siya nakasuot ng seatbelt sa naturang video.
Dahil dito, naglabas ang LTO ng show cause order laban sa konsehala upang imbestigahan ang posibleng paglabag sa reckless driving, distracted driving at mandatory use of seatbelt.
Inatasan siyang humarap sa Intelligence and Investigation Division sa Nobyembre 23 upang magsumite ng sinumpaang salaysay at mga dokumentong susuporta sa kanyang panig.
Maaari ring suspendihin o tuluyang bawiin ng ahensya ang kanyang lisensya kung mapatutunayang ‘improper person to operate a motor vehicle’.
Bukod sa 90-araw na suspensyon, inatasan din siyang isuko ang kanyang lisensya habang inalarma ang sasakyang ginamit sa insidente.
Hinikayat ng LTO ang publiko na i-report ang mga insidente ng distracted driving upang agad na maaksyunan ng ahensya.