Advertisers

Advertisers

DFA: Code of Conduct sa West PH Sea malapit ng matapos

0 27

Advertisers

NASA 80 percent na nakumpleto ng Southeast Asian nations at China ang negosasyon sa panukalang Code of Conduct (COC) sa West Philippine Sea ilang araw bago ang ASEAN Summit.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Ma. Theresa Lazaro, na nagkaroon ng tulong ang pagiging chair ng Pilipinas ng ASEAN Summit.

Dagdag pa ni Lazaro na dahil sa pamumuno natin ay napapabilis ang pagkumpleto na ng Code of Conduct.



Sa mga susunod aniya na araw ay maglalabas sila ng pahayag ukol dito.

Pagtitiyak ni Lazaro na may ilang pag-uusap pa kung saan 80 percent na ng talata, ang papel mismo at dokumento ay natapos na.



May ilang pagbabago na kailangan pang pinuhin.

Ang nasabing panukalang COC ay siyang magbibigay ng panuntunan para maiwasan ang anumang pananakop sa South China Sea at maiwasan ang anumang kaguluhan at madamay pa ang kaalyadod ng Pilipinas na Estados Unidos.



Una nang sinabi ng Malakanyang na umaasa silang mapirmahan na ang COC bago ang pagtatapos ng chairmanship ng Pilipinas ng ASEAN.