Advertisers
Kahit ang kontrata ng isang NBA superstar ay $50M ay posibleng ang take home pay ay $25M lam8ang.
Ito ay dahil sa escrow requirement ng liga, federal at state taxes, agent commission at iba pang fees.
Pwede pa ngang bumaba ito sa $20 M depende sa rate ng buwis sa iyong lugar. Maigi kung katulad sa Florida na walang sinisingil itong tax upang makaenganyo na sa kanila manirahan.
Yung Estados Unidos mismo maaaring kumulekta ng 37% ng sweldo sa laki ng halaga.
Ang bawa’t siyudad na pinaglalaruan ay may may tinatawag ding jock taxes na pinapataw sa lahat ng maglalaro doon.
Mahigpit ang Internal Revenue Service ng Amerika kaya di lulusot mga Pinoy baller.
Sa atin open secret na maliit na porsyento lang ng totoong idinideklara sa Bureau of Internal Revenue. Pero dahil bulok ang sistema sa atin ay madali nila nadadaya ang babayaean na buwis. Siyempre kakuntsaba rin ang mga taga BIR.
Yung top player nga sa PBA baka 10% lang ang nakalista sa uniform players contract.
***
Umiikot ngayon sa Kamaynilaan at mga karatig na lalawigan ang isang selection ng mga 12 under futsal player. Dala sila ni Elmer Lacknet Bedia, ang Filipino-Australian na Mr Foottball noong 80s. Bahagi ito ng outreach project ng Australian Football Association
Nakilala natin ang coach nilang si Luck Bedia na anak ni Elmer at dalawa sa mga bata na sina
Declan Nkunzinama at Darcy Kaplan.
Noong Sabado ay nagwagi sila sa isang one day tournament sa Cabuyao sa Laguna.
Nandoon mismo si Mayor Dennis Hain ang alkalde, upang i-welcome sila lahat.
Kahapon nasa Villamor, Pasay at ngayon nasa Bicutan, Paranaque.
Magkakaroon din sila ng mga game sa Cainta, Rizal at sa Subic, Zambales bago bumalik sa Down Under.
Ayon kay Pepeng Kirat mabuti may grupo na tumutulong sa pagpalaganap ng futsal sa ating bayan.
***
Samu’t Sari. Muli nagwagi noong Lunes ang Lakers para sa kartadang league best na 12-2.
Sa UAAP ay may pag-asa pa ang UST sa Final Four. Kailangan lang manalo sila sa Adamson sa huli nilang laban at umasa na matalo ng tig- isang game ang La Salle at FEU para mag- tie silang tatlo. Quotient system na. Playoff yan sa last spot.