Advertisers
OPISYAL nang nilagdaan ng mga kasaping bansa ng ASEAN ang kasunduan para sa ASEAN Power Grid upang palakasin ang ugnayan sa enerhiya sa rehiyon.
Nanguna ang Pilipinas sa masusing pagtalakay sa inisyatibong ito hanggang sa nagkakaisang lumagda ang lahat ng miyembrong bansa sa ginanap na summit.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ma. Cristina Roque, magbibigay ito ng pangmatagalang energy security at mas matatag na suplay ng kuryente para sa buong rehiyon.
Magbubukas din ang kasunduan sa cross-border electricity supply para sa mas mabilis at malayang pagpapalitan ng kuryente sa pagitan ng mga bansa.
Patunay ito ng matibay na pagtutulungan ng ASEAN upang maghatid ng mas konektado, inklusibo, at maunlad na ekonomiya. (Vanz Fernandez)