Advertisers
BINIGYANG-DIIN nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Chinese Premier Li Qiang ang kahalagahan ng pagpapalakas ng ugnayan ng ASEAN at China sa gitna ng mga hamong kinakaharap ng rehiyon.
Sa 29th ASEAN-China Summit, nanawagan si Marcos ng paggalang sa international law, pagpipigil sa mga hakbang na maaaring magpalala ng tensyon at mapayapang pagresolba sa mga sigalot.
Iginiit din ng Pangulo ang pangangailangan ng isang epektibong Code of Conduct sa South China Sea na naaayon sa international law at 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.
Samantala, iniulat ni Li na lumagpas sa isang trilyong dolyar ang kalakalan ng China at ASEAN noong nakaraang taon, habang umabot naman sa mahigit 500 bilyong dolyar ang pinagsama-samang pamumuhunan ng dalawang panig.
Ayon kay Li, lumago pa ng 29.6 porsiyento ang kalakalan sa unang sampung buwan ng 2026, kasabay ng pagpapalawak ng kooperasyon sa digital economy, green economy at artificial intelligence.
Kabilang din sa mga hakbang ang China-ASEAN Free Trade Area 3.0 Upgrade Protocol at 2026-2030 Plan of Action upang higit pang mapalakas ang kalakalan, pamumuhunan at kaunlaran sa rehiyon. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)