Advertisers
MAY isinagawang pagpupulong ang Regional Peace and Order Council ng Davao (RPOC XI) noong nakaraang linggo lamang, kung saan iniulat ng Philippine Army na 341 miyembro na ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA ang kanilang napasuko.
Sa nasabing ulat ng 10th Infantry Division (10ID) ng Army, ang iba sa bilang ay mga supporter lamang, ganun pa man ay itinuturing na rin nila na mga CPP-NPA ang mga ito, dahil nga nakikiisa sila sa panggugulo sa rehiyon.
Kasama sa kanilang ulat ang 188 na mga armas na kanilang narecover mula sa mga rebelde. Di man sinabi kung panahon na naigugol ng Army para mapasuko ang ganitong kalaking bilang ng mga rebelde, sigurado along malaking kawalan ito sa mga komunistang-teroristang CPP-NPA sa rehiyon.
Kasamang iniulat ni Maj. Gen. Alvin Luzon, commander ng 10ID, ang iba pang accomplishments ng kanilang Division, gaya ng ‘civil-military operations’ upang matigil na ang panggugulo ng mga komunistang-terorista.
Dagdag pa ni Major Luzon, mayroon din silang naisagawang 940 humanitarian assistance at mga disaster response activities, na kung saan, 196 disaster response team ang nai-deploys para alalayan ang kulang-kulang sa 500,000 katao.
Sa ngayon nga raw, paliwanag ni Luzon, ang pagpapanatili ng maayos at mapayapang lugar, ay kinakailangang lagi may nakatakdang tropa ng pamahalaan para sa ano mang kaganapan. Kailangan rin ng tuloy-tuloy na koordinasyon sa pagitan ng kanilang hanay at ng mga ahensiya ng pamahalaan at ng mga komunidad sa rehiyon.
Binigyan diin din niya, na dapat pinalalakas palagi ang kakayahan ng lugar sa territorial defense, bilang supports na rin sa Armed Forces of the Philippines’ Comprehensive Archipelagic Defense Operations. Isang diskarte na yan, ay sinisiguro ko sa Inyo na di lang para sa loob ng Davao region kung di pati na rin sa labas at mga baybayin nito.
Ang mga ganitong pagtutulungan ng lahat ang magiging sandata ng rehiyon sa anumang nagbabalak na manggugulo pa sa lugar. Hindi na nakaporma pa ang CPP-NPA sa rehiyon na iyan. At kasama sa kanilang mga binabantayan din sa ngayon ay mga external factors na tinatawag.
Sana lahat ng rehiyon dito sa bansa ay tularan ang nagawang ito ng Davao Region nang sa ganun wala na talagang manggugulo.