Advertisers
MATATAPOS na ang impeachment trial ni Sara Duterte. Ngunit hanggang ngayon, hindi namin nakikitahan ng kakaibang galing, kasanayan, at kakayahan ang pangkat ng depensa ni Sara. Pawang nagkakalat ang kanilang mga saksi at kahit ang kanilang abogado.
Naging kakaiba at kakatwa ang huling pagdinig, ang ika-44 na araw, noong Huwebes. Pawang kontrobersya ang bumalot sa pagdinig mula umpisa hanggang natapos ito sa dapit-hapon. Humarap bilang saksi ng depensa si Reinier dele Fuente, dating imbestigador ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Laking gulat namin ng biglang umapoy si Sen. Alan Cayetano sa kalagitnaan ng pangunguna niya sa panalangin sa umpisa ng paglilitis. Maraming kaaway si Cayetano. Lubha siyang mapagkunwari at mahilig magmalinis. Hindi kami nagtaka kung may sumalbahe at sumabotahe sa gitna ng kanyang panalangin.
Humingi na ng paumanhin ang press office ng Senado pero hindi maalis sa amin na ginantihan siya dahil sa kapalaluan at labis na pagkukunwari. Dumating ang araw ni Cayetano at wala siyang nagawa kahit katiting.
Hindi kami natuwa nsng ipakita ng depensa ang mga video clip ng nanggalaiting Miriam Defensor Santiago, ang naghihumutok na Punong Mahistrado Renato Corona, ang tila nagpapatawad na si Digong Duterte. Walang ibig sabihin. Walang kahulugan at saysay. Lihis sa paksa at totoong pag-aaksaya lang ng oras ang ginawa ng depensa.
Patay na si Miriam at Corona. Nakakulong si Gongdi sa piitang ng ICC sa Netherlands. Wala silang natamo kahit bahagyang pagsulong sa kapalaran ng Bise Presidente. Sa tingin namin, isang malinaw na pagpapatiwakal ang ginawa ng mga abogado ng depensa sa pangunguna ni Sheila Sison na tinaguriang “Miss Tapia” sa social media dahil sa kawalan ng katangi-tanging alindog at galing.
Tinawag ni Sen. Risa Hontiveros na “not fair” (hindi parehas) na gamitin ang mga video clip ni Miriam, Corona, at Gongdi dahil hindi sila makakapagbigay ng anumang paliwanag sa kanilang mga sinabi sa mga video clip. Sa maikli, hindi malinaw ang mga kontesksto.
Hindi rin namin matanggap ng ganap ang pag-amin ni dela Fuente na hindi niya nabasa ang anumang isinulat na transcript o kalatas sa mga sinabi ni forensic expert Alex Cabrera sa Senado bilang impeachment court. Hindi namin alam kung bakit siya ang itinapat ng depensa kay Cabrera kahit salat sa karanasan si dela Fuente.
Napansin rin ng ilang mga senador-hukom na hindi tumatagal sa trabaho si dela Fuente kahit ikinatwiran niya na wala siyang kaaway. Hindi nila tinanggap ang salaysay ni dela Fuente sa impeachment trial dahil maraming bukas dahil sa kasalatan ng sapat na pag-aaral.
Maaaring matapos gayong Biyernes ang paglalahad ng depensa dahil iba na ang trabaho ng Senado sa papasok na linggo. Aasikasuhin ng Senado ang panukalang P7.3 trilyon na panukalang budget sa 2027. Hindi puede hindi kumilos ang Senado dahil hindi dapat maantala ang pagpasa ng Senado sa panukalang budget.
***
BABOY talaga ang Tsina. Hindi namin napapatawad ito sa ginawang pambababoy sa Prime Minister ng Japan na si Sane Takachi. Walang sumalubong kay Takaichi nang dumating siya sa paliparan ng ShenShen kung saan ginanap ang pulong ng mga economic ministers ng APEC.
Hindi diyan nagtatapos ang kawalan ng paggalang ng Tsina sa isang pinuno ng pangunahing bayan. Mali ang ibigay na hagdanan ng eroplano para sa madaling pagbaba ng Punong Ministro ng Japan. Hindi angkop para sa isang taong may diperensiya ang tuhod.
Nagkaroon ng surgey si Takaichi kung saan pinalitan ang kanyan tuhod ng artificial kee. Hindi madali para sa kanya ang humakbang ng malaki pero ganyan ang ginawa sa kanya. Pinahirapan siya ng mga Beho.
May pasimpleng pambababoy rin ang mga Beho kay BBM. Pinatugtog ang awiting “Anak” ni Freddie Aguilar. Tungkol ang kantang ito sa isang anak na naligaw ng landas. Hindi naligaw ng landas si BBM at pangunahing patunay ang kanyang pagiging pangulo ng bansa. Ulol din ang mga Beho
***
Email:bootsfra@gmail.com