Advertisers
Numero 15 na si Alex Eala sa WTA ranking. Nguni’t kung sa mga player na edad under 23 ay pang-anim na ang ating tennis superstar.
Nauna lang sa kanya sa listahan sina
Mirra Andreeva (2), Coco Gauf (4), Linda Noskova(7), Diana Shnaider (11), at Iva Jovic (15).
Sa Asya naman numero dos siya sa isang taga-Kazakhstan na si Elena Rybakina na No.1 overall ngayon.
***
Nagawa ng LA Lakers ang hindi kinaya ng mga mga koponan na tinalo nila kamakailan.
Natatambakan kasi nila ang mga katunggali ng malaki hanggang 3rd quarter pero nahahabol sila sa 4th. Yun nga lang nananaig pa rin sila sa dulo.
Umabot pa nga sa 31 lamang noong isang beses at naibaba sa single digit. Mabuti sa ending sila pa rin ang W.
May mga game na binigyan ng pagkakataon mga bench player na makalaro kaya nagdelikado sila. May time pa na ibinalik ni Coach JJ Reddick ang first five kahit isang minuto na lang para masigurado ang panalo.
Itong laban kontra sa Charlotte noong Miyerkules sa Crypto.com ay kakaiba. Sila kasi ang natambakan ng hanggang 18 puntos. Sila ang naghabol. Kinailangan pa nila ng extra period para talunin ang Hornets.
Maigi pumutok si Quentin Grimes ng 47 upang matulungan si Luka Doncic sa scoring.
Sampu ang tres ni Grimes sa match at kasama diyan ang isang rainbow kaya nagka-overtime. Tapos nailusot pa nila para sa league leading na 13-2.
Minalas man sila sa Utah Jazz noong Huwebes ay on top pa sila sa West. Tabla lang sila ng may unang puwesto sa East na 76ers. Kapwa sila 13-3.
***
Ayon kay Commissioner Willie Marcial kahit kakaunti nanonood sa mga venue ng PBA ay nag-improve kanilang television ratings sa RPTV.
Kaso sir bagsak ang advertising at media industry sa ngayon.
Kung noon makakuha ka ng double digit sa survey ay papasukin ka na ng mga advertiser. Pero ngayon ang average nilang 3 percent ay mainam na. Kaso bale wala pa rin. Kasi ang top rated na programa na 10% ay hindi pa puno ang advertising slot. Eh paano pa ang PBA kikita.
Mismo mga big boss ng GMA at ABSCBN umaaray sa lugi nila eh.
Paano pa kaya ang network ni Manny Pangilinan na pangatlo lang mga palatuntunan. Aro Dios ko!
***
Ilan ba talaga sumali sa patakbo ng PDP-Laban sa Manolo Fortich sa Bukidnon noong Linggo?
Tinagurian nila itong Sara Run for Justice. Daming libreng shirts at pagkain nguni’t tila kakaunti lumahok.
Sabi ng mga anti-Duterte ay 20 katao lang daw. Wala kasing opisyal na pahayag mga nag-organisa hinggil sa bilang pero naglabas sila ng mga larawan.
Base sa letrato ay gawin naman daw nating 50 ayon kay Ka Berong. Hehe.