COA CHAIRPERSON MALLILIN , KINUMPIRMA NG MAKAPANGYARIHANG CA , CONG. TEODORO TIWALA SA KAKAYAHAN NI MALLILIN
Advertisers
Kinumpirma ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) nitong Lunes, Nobyembre 23, 2026, ang nominasyon ni Douglas Michael Mallillin bilang bagong tagapangulo ng Commission on Audit (COA).
Nakuha ni Mallillin ang pag-apruba ng CA sa kabila ng naunang pagtutol ni Senador Imee Marcos sa antas ng komite.
Gayunman, kalaunan ay binawi rin ng senadora ang kanyang mosyon na ipagpaliban ang pag-endorso sa nominasyon nito.
Papalitan ni Mallillin si dating COA Chairperson Gamaliel Cordoba, na itinalaga bilang Associate Justice ng Korte Suprema.
Tatapusin niya ang natitirang termino ni Cordoba na magtatapos sa Pebrero 2, 2029.
Sinegundahan naman ni Marikina 1st District Marcy Teodoro ang kumpirmasyon ni Mallilin.
Ayon kay Teodoro, nanguna si Mallilin sa 1986 CPA Licensure Examination at makalipas ang isang dekada ay naipasa rin ang Bar Examination.
Iginiit ni Teodoro na bihira ang isang lingkod-bayan na may kahusayan kapwa sa larangan ng batas at mga numero.
Aniya bilang isang dating lokal na punong ehekutibo, personal niyang nasaksihan ang gawain ng COA.
Naniniwala aniya si Teodoro na taglay ni Commissioner Mallillin ang kakayahan, kalayaan sa pagpapasya, at integridad na hinihingi ng tungkuling ito. (CESAR MORALES)



