Sa Kaniyang Mga Matatagumpay Na Mall Show! “Pop Rock Diva” Rozz Daniels, Palaging May Pa-Charity Sa Mga Senior Citizens; Singer-Actor Lance Raymundo Special Guest Ni Rozz
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
Hindi lang mahusay na singer-performer, ang aming alagang si Rozz Daniels na dalawa sa mga titulong hawak sa showbiz ay ang Pop Rock Diva at Revival Queen. Kundi may malaking puso rin si Rozz para sa ating mga elders. Kaya naman tuwing may isinasagawa siyang mall show, ay parati siyang may pa-charity sa ating mga senior na lola at lolo.
At sa upcoming Christmas mall show ni Rozz, ngayong November 28(Sabado) from 3:00 PM to 6 PM sa Ali Mall, Araneta City. Aside sa hahandugan nila ng kanyang mga beautiful(just like her) sisters na sina Kharen Torregosa-Saito at Analyn Torregosa ng kanyang original Christmas song na “My One Love On Christmas Day” ang ating mga lola at lolo also mga nanay at tatay.
Mamimigay, na naman si Rozz ng thousands of cash sa lahat ng mga elders na pinaakyat niya sa stage. Kaya kita niyo naman kung gaano ka-blessed ang said Pop Rock Diva sa kanyang showbiz career at personal life na 37 years ng married sa american husband na si Sir David Daniels.
Ganyan talaga kapag mabait ka at nagse-share ng blessings, mas lalong inaangat ka ni Lord.
Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon ay magiging special guest ni Rozz ang Viva artist at actor-host na si Lance Raymundo sa kanyang said mall show. Maghahandog si Lance ng special number sa audience ni Rozz. And for the very time, also ay kakantahin naman ni Rozz ang kanyang latest single revival na “Joke Lang.” At ang Music Video nito na inyong mapapanood sa kanyang official Youtube na Rozz Daniels, ay humamig na as of presstime ng l5K views, and still counting.
Magpe-perform rin dito ang laging kasama sa mall show ng kanilang Aunt Rozz na sina Shiharu Torregosa-Saito, ang gwapong rapper ng Sampaloc at si Brandon Lee Torregosa na pasadong maging actor. Siguradong pagkakaguluhan na naman sina Shiharu at Brandon rito ng mga bading at girls audience.
May collaboration number naman si Rozz sa pianist nephew na si Richael Torregosa at niece na si Abby Larena-Torregosa na mahusay na electric guitarist at ang TORREGOSA Ladies na mga back-up dancers ni Rozz.
May solo number at duet number rin ang batang Michael Jackson na si Ruru Torregosa-Saito at Yanie Torregosa at syempre pa ang mga cute na little girls and boys na Dyanasty Dancers. Dalawa ang magsisilbing front act ni Rozz sa show sila ay ang Male group dancers na SYNAG led by Jiyeong at ang Tiktok Personality na si Angel Hornilla. Habang nagpe-perform, ay maghahagis naman ng kanyang personalized T-shirts si Rozz at mamimigay rin sila ng kanyang poster sa audience. At after ng kanyang mall show ay may autograph signing at photo op si Rozz sa kanyang mga fans. Kami uli ni Monica Torregosa-Santos(my lovely co-host) ang siyang magsisilbing hosts ng mall show ni Rozz, na aming alaga at pini-PR. Handog ng R&D Entertainment Production ni Rozz and her American husband na si Sir David Daniels ang “POP ROCK DIVA ROZZ DANIELS, MALL TOUR 2026.” At final o last stop mall show na nga ni Rozz itong sa ALI Mall. Kita-kita tayo sa November 28 and let’s all have fun!