Advertisers
Ni Favatinni San
PASO na ang pinirmahang kontrata ni Emmanuel Bacosa Pacquiao sa GMA 7. Noong November 2025, pinag-uusapan si Emman dahil sa husay niyang mag-boksing na mismong napanood ng kanyang amang si Manny at asawang si Jinky. E, timing ang aniversaryo ng Thrilla in Manila, big event noon ang labanang Joe Frazier at Muhammad Ali.
Pinagkaguluhan si Emman lalo’t Pacman ang nasa likod ng jacket. Noon pa naman naayos na ni Manny ang papeles na siya ang ama ni Emman at nakasulat din sa kanyang birth certificate. Tanggap ni Jinky na may anak si Pacman sa ibang babae.
Teka, bakit nabutata ang showbiz career ni Emman, enough ba ‘yung Tv guesting niya sa mga shows ng Kapuso network. Pinarehas pa kay Jilian Ward as in may kilig to the max, huh. ‘Di ba nagpresinta pa si Miss Jessica Soho na ninang kung mauuwi sa isang seryosong relasyon ang dalawa.
Hay naku, isang pagsintang pururot lang pa lang… ha! ha! ha!
Of course, aktibo pa rin si Emman sa kanyang propesyon bilang boksingero at naka- lined up na laban. Isa pa, aktibo rin siya at kanyang pamilya sa kanilang church bilang mga Born Again Christian.
At least naranasan ni Emman ang showbiz limelight at huwag isnabin, milyones din naman ang talent fees sa mga product endorsements.
MARIS RACAL INISNAB NG LUNA AWARDS
SA pagbabalik ng Film Academy Awards sa pagbibigay ng parangal sa showbiz industry ay nahaluan ng kontrobersiya.
Abot ang paliwanag ng Pangulo ng FAP na naabutan ng cut-off ang pelikulang Sunshine ni Maris Racal kaya hindi siya nasama sa listahan ng mga nominadong aktres sa Luna Awards ng FAP na gaganapin sa Manila Hotel.
Sayang, kung na-nominate at nanalo si Maris sa FAP ay grandslam queen na siya.
E, teka bakit naman ang press release nila hindi naman isinama ang pangalan ni Nora Aunor na co-awardee ng Superstar sina Ricky Lee at direk Marilou Diaz-Abaya, mga National Artist as Broadcast media and Arts. Hindi pa ‘yan naitatama e, nasaan ang respeto kay Nora.
Susme, obviously may gumalaw ng baso, ha! ha! ha!
Hmmp, hindi kaya ang namamahala ng Luna Awards ay maka-Vilma, push pa more para mag-shine ang esposa ni Executive Secretary na si Ralph Recto para sa susunod na nominasyon(?) sa Alagad ng Sining ng NCCA for 2028.
Ano po ang inyong palagay mga dear readers?
GREETINGS TIME
TULOY na ang get together ng mga kaibigan nating sina ROCKY, BERT, MEL, JEF, GEORGE ROY, MICHAEL, ADRIAN, MIKE at kasama si Sir CHRIS. Special guest ang QUEEN MOTHER JACKSON. Opps, pot luck… see yah!