Advertisers

Advertisers

TANAUAN, “SIN CITY” NG BATANGAS!

0 13

Advertisers

KUNG ang pag-uusapan ay ang bilang ng mga nag-ooperate na mga ilegalista ay malayo na ang narating ng siyudad ni Tanauan Mayor Sonny Collantes.

Tanauan City Mayor Sonny Collantes at PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

Hindi hamak na nalagpasan na ng Tanauan ang record ng Lipa City sa dami ng operasyon ng mga vice den na kumikilos dito. Karamihan sa mga vice maintainer dito ay mga barangay leader na kaalyado ng mga lokal na pulitiko.



Sa dami ng iligal dito ay pwede ng tagurian na isang “Sin City” ang Tanauan na kilalang hometown ni President Jose P. Laurel. Si Laurel ay ang 3rd President ng bansa at siyang Unang Pangulo ng Japanese-sponsored Philippine Republic.

Kung tutuusin ay hindi nag-iisang dapat sisihin ng mga taga Tanauan City si Mayor Collantes sa pagratsada ng operasyon ng mga sugalan na may shabuhan sa kanyang lungsod.



Maging sina PNP Acting Region 4A Dir. BGen. Dominic Baccay, Batangas Acting PNP Provincial Dir. Col. Oliver Ebora at Tanauan City Police Chief LtCol. Caesar Ian Binucal ay di ligtas sa mga paratang na nagpapabaya sa kanilang mga tungkulin?

May punto ang mga apektadong residente ng Tanauan City pagkat isang alyas Baby Tomboy, ang nag-ooperate ng matagal nang inirereklamong sugalan na may shabuhan sa A. Mabini Ave., Brgy 2 Poblacion Tanauan.



Mula sa crossing ng A. Mabini Ave. hanggang sa pusod ng Poblacion ay nakahilera ang mga sugalan ng color games, drop balls at cara y cruz (Tao-Ibon) ni alyas Baby Tomboy.

Nasa katabi lamang ng Ihawan sa Tanauan ang mga pasugalang ginagamit din na shabu tiangge ng mga tauhan ni alyas Baby Tomboy na sina alyas Onad, alyas Rommel at alyas Pajon.

Sina alyas Onad, alyas Rommel at alyas Pajon ay pawang nasa listahan ng mga high value target ng War on Drugs, ngunit nakapagtatakang di ang mga ito inaaresto ng pulisya ng Tanauan at maging ng iba pang mga awtoridad?

Ayon sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay tinatayang nasa 10,721 ang kanilang “nalambat” sa kampanya laban sa illegal drugs, kabilang dito ang may 287 na banyaga, 362 elected officials, 102 uniformed personnel, 751 drug group leader, 66 armed group leader, 1,035 drug dens maintainners, mga celebrities at iba pa.

Ngunit ang nakapagtataka ay libreng nakapagpapasugal pa sina alyas Baby Tomboy at ang tatlo nitong mga alipores (alyas ONad, alyas Rommel at alyas Pajon) sa Tanauan City.

Isang Tanauan City Hall official at ilang high ranking police officer sa Camp Crame, lokal na pulisya at barangay officials ang iniuulat na nagbibigay ng proteksyon sa drug gambling den sa A. Mabini Ave., Poblacion 2, Tanauan City. May karugtong…

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144