Advertisers
Agad nag-viral sa social media ang pagsabog ng isang umano’y illegal na pagawaan ng paputok sa Brgy, Partida sa bayan ng Norzagaray kung saan isang trabahador ang nasawi at nagutay katawan tanghali ng Nobyembre 25 2026.
Ayon sa source, lisensyado umano sa pagbebenta ng iba’t-ibang fireckrackers at phyrotechnics ang may -ari ng mga paputok, subali’t wala umano itong lisensya sa paggawa ng Kwitis, Luces at JudasBelt at iba pang phyrotechnics.
Sa Facebook post ng Pamahalaang Barangay ng Pulong Buhangin, nilinaw nilang hindi nila nasasakupan ang pagsabog.
Sinasabing noong mga nakaraang taon, may naiulat na rin ng pagsabog sa nasabing lugar na ikinamatay din ng ilang manggagawa ng paputok.
Habang sinusulat ang balitang ito, hindi pa rin nabibigay ng impormasyon ang Norzagaray pulis sa pagkakakilanlan ng nasawi, at maging ang may-ari ng sumabog na pagawaan ng paputok at kung magakano ang pinsala na idinulot nito.(Thony D. Arcenal)