Advertisers

Advertisers

P291m shabu naharang sa NAIA

0 53

Advertisers

TINATAYANG P291.61 milyon halaga ng shabu sa mga kargamento mula Kenya at Malaysia ang nasamsam sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ayon sa Bureau of Customs (BOC) nitong Huwebes.
Ayon sa ahensya, natagpuan ng BOC-NAIA ang kabuuang 42.884 kilo ng shabu mula sa tatlong kargamentong dumating mula sa dalawang nasabing bansa.
Pinakamalaking bulto, 39.418 kilos, ang natuklasan sa isang kargamento mula Kenya na idineklarang spare parts.
Samantala, nakumpiska ang natitirang 3.466 kilo mula sa dalawang kargamento na nagmula naman sa Malaysia.
Ang isa sa mga kargamento ay idineklarang mga laruan at activity book para sa mga bata, habang ang isa pa ay naglalaman ng mga kagamitan para sa ehersisyo.
Ipinasa na ng BoC sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga sample ng nakumpiskang substance.