Advertisers
Parehas na nasa tuktok ang team na iniwan at nilipatan ni Lebron James. 15-3 ang Lakers at 15-4 ang 76ers habang sinusulat natin ang pitak na ito.
Una ang Lakers sa Western Conference at gayon din ang 76ers sa East.
Bagama’t sa Philadelphia ay 3rd o 4th option na si LBJ ay malaki pa rin kanyang kontribusyon.
Sa kabilang banda ang LAL na koponan niya dati ay nasa ibabaw din ng standings. Si Luka Doncic na ang bida doon sa pag-alis ng pinalamatandang player ng NBA
Ang tanong ngayon ni Tata Selo ay kung kaya ng dalawa na manatili sa numero unong puwesto.
Ang Philadelphia ay sinasabing may pinakamatinding first five. James, Joel Embid, Tyrese Maxey, Jaylen Brown at VJ Edgecombe. Talaga naman solid yan. Duda naman ang ilan sa 2nd stringers nila.
Ang Lakers may 1-2 punch sa katauhan nina Doncic at Austin Reaves. Mabigat din mga iba nilang player na bago kahit mga nasa veteran minimum lang suweldo. Tingnan natin sa pagtatapos ng taon kung ma-sustain ang laro nila. Pwede din palakasin pa mga line-up nila sa trade deadlne sa Pebrero.
Eka nga ni Tatang ay magandang istorya na silang 2 ang magharap sa kampeonato..
***
Open pa registration ng Angat Bayanihan Run sa GenSan sa Linggo.
Maaari pang magpatala sa Veranza Mall para sa 1K, 3 K, 5 K at 10 K na mga kategorya
Lahat ng sasali ay tatanggap ng race kit at makakapagambag pa sa mga proyekto ng NGO na itinatag ni Leni Robrwdo noong 2016.
Susunod na fun run ay sa Disyembre at sa Quezon City gaganapin.
***
Ang daming nabigla at nalungkot sa pagpanaw ni Peter June Simon noong isang araw.
Inatake pala sa puso ang 46 años na ex- cager ng Purefoods sa PBA.
Isa sa pinakatahimik na manlalaro si PJ nguni’t ang husay sa pagbuslo ng bola lalo na sa tres.
Nitong taon ay napanood pa natin siya sa isang exhibition match sa Dublin. Halos walang mintis mga tira niya sa rainbow territory.
Pero siya lang hindi natin nakapanayam doon kasi ang mga kasamahan niyang sina Ryan Arana at Jerwin Gaco ay na-interview natin pagkatapos ng laban nila.
Diumano’y kulang o walang emergency equipment at personnel sa gym sa Davao na pinagdausan ng game ni Simon.
Tapos yung MVP ng Fil-Chi Athletic Association na si Albert Edsel Chua ay namatay din sa parehomg sitwasyon sa edad na 48. Nag-collapse din sa game 2 days after ng kay Nonoy.Naku, ingats po.
***
Natuwa si Pepeng Kirat na makita mga kabataang lalake na masayang nagkokodakan sa patio ng Molo Church sa Iloilo.
Nakauniporme sila ng kulay gold kasama ang kanilang coaching staff.
Mga player pala sila ng sepak takraw na lumahok sa isang torneo sa kapitolyo ng lalawigan ng Iloilo.
Pagkayari nila magkuhanan ng letrato sa Sta Ana Parish Church sa Molo ay nagsisakay na sila ng jeepney pauwi. Hindi na tuloy nakapagselfie si Pepe sa kanila.