Advertisers

Advertisers

Cayetano: Palakasin ang kapasidad ng DND engineering brigade

0 16

Advertisers

Itinutulak ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang karagdagang pondo para palakasin ang mga Philippine Army engineering brigade sa ilalim ng Department of National Defense (DND).

Para ito matulungang pag-ugnayin ang national defense at pag-unlad ng komunidad at makuha ang loob at suporta ng mga Pilipino.



Sa Senate plenary deliberations nitong Biyernes para sa panukalang 2027 budget ng DND, iminungkahi ni Cayetano ang pagbuo ng isang plano sa pagpapaunlad para sa engineering brigade. Aniya, kung magsisimula ng paunang alokasyon ngayong taon, unti-unti nitong mapapalakas ang kakayahan nito sa paglipas ng panahon.

Ayon sa Philippine Army, tungkulin ng mga engineering brigade na magbigay ng general engineering support sa mga operasyon ng Army, magkumpuni ng mga military at public infrastructure, at pangunahan ang disaster response at rehabilitation sa buong bansa.



“My small push this afternoon is if we can have a three-year or five-year plan to really build up these engineering brigades, not only for combat but for multi-use, especially in a lot of rural areas,” wika ni Cayetano.

*Papel higit sa counterinsurgency*



Aniya, dapat hindi lang nakatutok sa counterinsurgency operations ang papel ng militar kundi pati sa mga inisyatibang tutugon sa social at economic conditions ng mga komunidad. Dagdag pa niya, ang mga pagsisikap na ito ay dapat tumulong sa pagpapabuti ng buhay ng ating mga kababayan.

“If we say trabaho lang ng militar or ng DND na mawala ang insurgency, that’s wrong… I’m talking about bridging the two worlds of defense and also the love of the people or the support of the people,” sabi ni Cayetano.

Sabi ng senador, maaaring palawakin ang kakayahan ng engineering brigade tulad sa pagtugon sa sakuna, mga ugnayan sa komunidad, at bilang aplikasyon ng pananaliksik sa militar para sa gamit ng sibilyan.

Itinuro din ni Cayetano na ang AFP ay may mga kampo at base sa buong bansa na maaaring may mga makinarya at iba pang mga mapagkukunan na pakinabang hindi lamang para sa mga operasyong militar kundi pati na rin para sa pagtugon sa sakuna.

“They have equipment that can also be used when there are disasters, for example clearing roads or immediately building roads,” aniya.

*Kahalagahan ng community engagement*

Tungkol sa community relations, binigyang diin ni Cayetano ang kahalagahan ng pagkamit ng tiwala ng publiko sa pamamagitan ng pagpapakita na ang militar ay hindi lamang nakatuon sa counterinsurgency kundi maaari ring makatulong sa pagtugon sa mga kakulangan sa mga serbisyong panlipunan.

“We know that most of the areas where there is insurgency are really missing social services,” wika niya.

Iginiit din niya ang papel ng engineering brigade sa pagtugon sa mga epekto ng El Niño.

“If we did this two years ago, if the military had the expertise and equipment, they could have probably helped us in some areas in El Niño,” sabi ng senator.

Upang bigyang diin ang kahalagahan ng suporta ng publiko para sa national defense, ginunita ni Cayetano ang isang pag-uusap sa isang dating chief of staff ng DND tungkol sa pangangailangang mag-install ng mga closed-circuit television (CCTV) system sa mga military camp.

“He said, ‘The number one defense of any camp is mahal kami ng mga taong nakapaligid sa amin. Kasi kapag mismong mga taong nakapaligid sa amin ay galit, e ‘di syempre may problema iyon,’” kwento ni Cayetano.

*Military research para sa pakinabang ng mamamayan*

Binigyang diin din niya ang potensyal ng civilian application ng military research at sinabing maraming kapaki-pakinabang na teknolohiya at inobasyon ang nagmula sa pananaliksik na may kaugnayan sa depensa, lalo na sa mga larangan tulad ng civil engineering at arkitektura.

Sinabi ni Cayetano na ang iminungkahing pagtaas ng pondo para sa engineering brigade ay magiging isang kapaki-pakinabang na pamumuhunan kahit na unti-unting ipatupad sa loob ng ilang taon.

“I will leave the numbers to you. But it’s good if they have a startup fund this year and then they can build it up in five years,” wika ng senador.

“My point is, it will all go to good use,” dagdag niya.