Advertisers

Advertisers

Gov’t. contractor for sale na mga koleksyong supecar

0 12

Advertisers

INAALOK na umano ng isang malaking government contractor ang ilan sa pinakamamahaling sasakyan sa kanyang koleksiyon, kabilang ang LaFerrari, Ford GT at Ferrari 458 Speciale Aperta.
Ayon sa impormasyon, lagpas sa P500 milyon ang pinagsamang halaga ng tatlong supercar batay sa katumbas na presyo ng mga ito sa mga international auction.
Dalawa sa mga Ferrari ng contractor na si ‘Jologs Speedster’ ay nabili niya mula sa isang politiko na kilala rin sa pagkahilig sa mga mamahaling sports car.
Nasa mahigit 170 infrastructure projects na pinondohan ng gobyerno ang iniuugnay sa construction business ng contractor, batay sa public data.
Tinatayang nasa P9 bilyon hanggang P12 bilyon ang pinagsamang halaga ng mga kontrata, karamihan ay sa Bulacan at isang karatig-lungsod sa Metro Manila.
Kabilang sa mga proyektong ito ang mga flood control structure, drainage system, road rehabilitation at iba pang public works.
Lumitaw ang pangalan ng dating Bulacan district engineer na si Henry Alcantara sa isa sa mga kontrata ng kompanya noong 2022 bilang lumagda, habang si Brice Hernandez, na iniugnay sa grupong “BGC Boys”, ang nagsilbing witness.
Ayon pa sa ulat, ilan sa mga mamahaling sasakyan ng contractor ay inilalagay lamang sa ilalim ng mga tolda at trapal sa halip na sa maayos na garahe.
Hindi tinukoy ng impormante ang dahilan ng umano’y pagbebenta ng mga supercar.