Advertisers

Advertisers

Impeachment Court pinatawag na 2 testigo ng depensa para sa sunod na linggo…VP SARA ‘DI BIBITIW SA PUWESTO!

0 14

Advertisers

WALA umanong planong magbitiw sa puwesto si Vice President Sara Duterte sa kabila ng kinakaharap niyang impeachment trial sa Senado na inaasahang matatapos bago matapos ang taon.

Sa isang year-end gathering kasama ang media nitong Biyernes, Nobyembre 27, sinabi ni VP Sara na hindi niya kayang talikuran ang puwesto dahil maituturing niya itong pagtataksil sa 32.2 milyong Pilipinong bumoto sa kaniya noong 2022 elections, gayundin sa publiko.

Giit ni VP Sara, hindi niya nakikitang opsyon ang pagbibitiw sa kabila ng mga alegasyong kinakaharap niya sa impeachment proceedings.



Samantala, nagpapatuloy ang paglilitis sa Senado kaugnay ng natitirang alegasyon ng unexplained wealth o hindi maipaliwanag na yaman laban sa Bise Presidente.

Matatandaang iniurong ng House prosecution team ang tatlo sa apat na impeachment articles upang mapabilis ang paglilitis, kaya’t nakatuon na lamang ang mga susunod na pagdinig sa alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman.



Sa kabila nito, itinanggi ni VP Sara ang mga paratang at inilarawan ang impeachment proceedings bilang isang uri ng political harassment.

Sakaling mapatalsik sa puwesto sa pamamagitan ng conviction sa impeachment trial, maaari rin siyang ma-disqualify habambuhay sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno.



Impeachment Court pinatawag na 2 testigo ng depensa para sa sunod na linggo
KINUMPIRMA ni Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol nitong Huwebes, Nobyembre 26 na personal nang naihatid sa Bureau of Customs (BOC) Deputy Commissioner Atty. Agaton Teodoro Uvero at elektroniko namang ipinadala kay Dr. Lourdes Tingson-Lebosada ang subpoena ng Senate Impeachment Court.

Ayon kay Tongol, naihatid ang mga subpoena sa dalawang testigo ng depensa ni Vice President Sara Duterte para sa mga pagdinig sa Disyembre 1 hanggang 4.

Tatalakayin ni Uvero ang mga rekord at dokumento ng BOC kaugnay ng pag-export ng CALE88 Foods Corporation.

Samantala, tatanungin si Tingson-Lebosada tungkol sa istruktura, operasyon, pananalapi, rehistrasyon, at pagmamay-ari ng naturang kompanya.

Si Tingson-Lebosada ay sinasabing dating may-ari at business partner ni Atty. Manases Carpio, asawa ni Duterte.

Sa naunang testimonya ni DTI Undersecretary Ceferino Rodolfo, lumitaw na magkapareho silang may tig-47.5 porsiyentong shares sa kompanya noong 2024, kung saan presidente si Carpio at treasurer naman si Tingson-Lebosada.