Advertisers
Ni Camille Guarin
Nagbigay ng makahulugang paalala ang It’s Showtime host na si Vice Ganda tungkol sa kahalagahan ng pagpapahayag ng pagmamahal sa mga taong mahalaga sa atin habang may pagkakataon pa.
Ayon sa Unkabogable Star, hindi dapat hintaying mawala ang isang tao bago sabihin ang mga magagandang bagay tungkol sa kanya. Mas maganda umanong iparamdam at ipahayag ang pagmamahal habang buhay pa ang ating mga mahal sa buhay.
Sa kanilang programa na It’s Showtime, ibinahagi ni Vice na gusto niyang makaranas ng eulogy habang nabubuhay pa siya.
Ani Vice, “Itodo mo na yung love, sabihin mo na yung love. Di ba, hindi lang sa relationship ha, sa lahat, sa nanay mo, sa tatay mo, sa kaibigan mo.
“Kaya nga may sinasabi ako kay Anne. Sabi ko sa kanya, ‘Parang gusto kong magpa-eulogy.’ Sabi naman ni Anne, ‘Bakit ang morbid mo?’
“Hindi kasi, di ba, pag eulogy, pag may namamatay, yung mga malalapit sa ‘yo na tao, pamilya mo, best friend mo, ang dami nilang sinasabing magaganda tungkol sa ‘yo. Naririnig mo pa ba sila? Eh patay ka na, hindi mo na sila maririnig. Bakit mag-aantay tayo ng eulogy?
“Kasi pag ginagawa natin ‘yun, there is so much love left unspoken. Di ba, ang daming pagmamahal na hindi nasabi, tapos sasabihin na lang kung kailan patay. Eh bakit hindi natin sabihin pag birthday, pangkaraniwang okasyon? Kasi nga hindi natin hawak ang bukas. So dahil hindi natin alam kung masasabi pa natin ito bukas, sabihin na natin ngayon, di ba? I love you and I appreciate you, all of you.”
Well, korek ka d’yan, Vice.