Advertisers

Advertisers

ANNE CURTIS, PROUD NA MAS BIRITERA PA SA KANYA ANG ANAK NA SI DAHLIA

0 15

Advertisers

Ni Anne Venancio

Proud mom talaga si Anne Curtis matapos ang first-ever recital ng kanyang anak na si Dahlia Amélie!

Emotional at puno ng pride ang aktres nang ibahagi sa Instagram ang video ng six-year-old daughter habang kinakanta ang “This Is Me” sa kanyang unang recital.



“So brave, and we are so, so, so proud,” ani Anne sa kanyang post.

Para kay Anne, perfect choice ang kanta dahil swak ito sa moment na unti-unti nang nadidiskubre ni Dahlia ang kanyang talent at natututong ipakita ang tunay na sarili.



Mas nakakatuwa, hindi lang basta proud mom ang aktres dahil tiniyak din niyang lagi silang magiging biggest cheerleaders ni Dahlia sa bawat pangarap nito.

Nagpasalamat din siya sa vocal coach na si Jade Riccio at sa Philippine Events Orchestra na gumabay sa kanyang anak sa performance.



Samantala, aminado si Anne na motherhood ang nagturo sa kanya na mag-slow down at mas pahalagahan ang bawat precious moment kasama ang anak.