Advertisers
MARIING nanindigan si Senate President Sherwin Gatchalian sa pagiging patas ng Senate Impeachment Court sa pagdinig at pagtanggap ng ebidensya sa nagpapatuloy na paglilitis nito kay Vice President Sara Duterte.
Ginawa ni Gatchalian ang patitiyak matapos na sabihin ni Duterte na naghahanda na umano siya sa pinakamasamang posibleng kahinatnan ng impeachment trial.
Pahayag naman ng Senate President, nakasalalay pa rin ang magiging resulta ng paglilitis sa mga ebidensyang ihaharap ng prosecution at kung paano ito kokontrahin o sasagutin ng defense team ni Duterte.
Sa kasalukuyan ay nakapagharap na ang depensa ng siyam na testigo para pabulaanan ang mga alegasyon laban kay Duterte kaugnay sa umano’y unexplained, hindi tapat na pagdeklara ng mga ari-arian sa at pananagutan nito matapos na ipagpatuloy ang kaniyang mga interes sa negosyo habang nanunungkulan bilang bise Presidente.
Sa Disyembre 1 hanggang 4, muling magpapatuloy ang buong araw na pagdinig simula alas-10 ng umaga matapos na masuspinde upang bigyang-daan ang pagtatalakay sa panukalang pambansang budget sa 2027 sa plenaryo ng Senado.
Samantala, naniniwala umano si Gatchalian na posibleng matapos ang impeachment trial bago matapos ang taon, batay sa bilang ng mga natitirang saksi na ihaharap ng defense.
Gayunman, nilinaw niyang hindi palaging tumatama ang kanyang mga naunang pagtataya sa pagtatapos ng paglilitis.