Advertisers

Advertisers

30 PINOY SA RUSSIA PINATUTUTUKAN NI PBBM

0 22

Advertisers

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang agarang pag-alam at pagtutok sa kalagayan ng 30 Pilipinong umano’y na-recruit para sa military activities sa ibang bansa.

Ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro, agad kumilos ang Department of Migrant Workers (DMW), sa pangunguna ni Secretary Hans Cacdac, upang matukoy ang kinaroroonan at matulungan ang mga kababayan na nakita sa kumakalat na video.

Ayon kay Castro, nakikipag-ugnayan na ang DMW sa Department of Foreign Affairs (DFA), Department of National Defense (DND) at National Bureau of Investigation (NBI) para maisagawa ang nararapat na hakbang.



Natukoy narin ng pamahalaan ang lokasyon ng mga Pilipino, ngunit hindi muna isisiwalat ang detalye at bansang kinaroroonan ng mga ito dahil sensitibo ang isinasagawang operasyon.

Inihayag din ng Palace official na may mga nauna nang hakbang ang law enforcement agencies sa nakalipas na lima hanggang anim na buwan upang mapigilan ang ilegal na recruitment para sa trabaho sa ibang bansa.



Kabilang dito ang mga operasyon sa mga paliparan upang pigilan ang pag-alis ng mga posibleng biktima at mga entrapment operation laban sa mga recruiter. Nasa lima nang recruiter na may kaugnayan sa umano’y ilegal na recruitment para sa military work abroad ang kinasuhan sa Department of Justice (DOJ). (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">