Advertisers
ARESTADO ang isang dating barangay kagawad sa droga at iligal na baril sa Porac, Pampanga nitong Lunes.
Isang jeepney driver na tubong Porac ang dinakip na si Jayson Garcia.
Inaresto si Garcia sa bisa ng search warrant dahil sa paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Nakuha kay Garcia ang isang caliber .38 revolver at mga bala, pati na ang isang sachet ng shabu na may bigat na 3 gramo at nagkakahalagang P20,400.