Advertisers

Advertisers

Covid update: 330 gumaling; 20 nasawi; 1,783 bagong kaso

0 636

Advertisers

NAKAPAGTALA lamang ng 1,783 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang Department of Health nitong Miyerkules, Marso 3.
Samantala ay mayroon namang naitalang 330 na gumaling at 20 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.0% (35,056) ang aktibong kaso, 91.9% (534,778) na ang gumaling, at 2.13% (12,389) ang namatay.
Muli namang dumami ang mga laboratory na bigong makapagsumite ng kanilang datos sa CDRS kung saan ayon sa DOH case update ay nasa pitong Covid-laboratory.
Samantala, dalawa naman ang duplicate na naalis mula sa total case counts kung saan isa ang recovery.
Nasa 14 kaso naman ang na-tag na recoveries ang na-reclassify bilang pumanaw matapos ang final validation. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)