Advertisers

Advertisers

Employers group tutol sa ‘no vaccination, no work policy’

0 293

Advertisers

MARIING kinondena ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ang sinasabing “no vaccination, no work” policy na ipinatutupad ng ilang kompaniya sa ating bansa.
Ayon kay ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr., bagama’t wala siyang alam na ganitong umiiral na polisiya, nais pa rin nilang alamin ang bagay na ito.
Puntirya ni Ortiz- Luis na hindi makatuwiran kung sakaling may mga employer na nagpapatupad ng nasabing kautusan.
Katwiran nito kahit mainam na magpabakuna ang bawat manggagawa hindi naman maaaring gawin itong sapilitan.
Ang mga kompaniyang walang kakayahang magbigay ng bakuna sa mga empleyado ay maaaring hintayin na lamang ang ipagkakaloob na COVID vaccine ng mga lokal na pamahalaan. (Josephine Patricio)