Advertisers

Advertisers

Joshua dinenay na nag-post ng pagbati kina Julia at Gerald sa socmed

0 241

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA pag-amin ni Gerald Anderson sa interview sa kanya ni Boy Abunda kamakailan na girlfriend na niya si Julia Barretto, nag-congratulate sa dalawa ang ex ni Julia na si Joshua Garcia sa pamamagitan ng Facebook account nito. Nakalagay sa Facebook post ng sinasabing account ni Joshua ang ganito, “Congratulations Gerald Anderson and Julia Barretto. (two heart emojis). Kalakip nito ang post ng larawan nina Gerald at Julia.

Pero hindi pala nanggaling kay Joshua ang pagbati na ‘yun kina Julia at Gerald. Nakarating kasi ito sa award-winning actor at  agad siyang naglabas ng disclaimer sa kanyang Instagram stories. Sabi ni Joshua, wala siyang aktibong Facebook account.



“FYI po, this one is not mine and i don’t have any active Facebook account. Kindly spread the info. Thank you.”

May isa pang post ang pekeng Joshua Garcia na tila may pahiwatig din sa pag-amin ni Julia sa relasyon nito kay Gerald.



Sabi rito: “Maging masaya tayo sa ikaliligaya ng iba. [smiling face, praying hands emojis]”

Ang mga tao talaga walang magawa sa buhay kung anu-ano na lang ang naiisip gawin. Pati paggawa ng pekeng FB account ay pinasok na rin nila.



***

ALLAN K MISTULANG ISINUMPA SA TAONG 2020

SA guesting ni Allan K sa show nina Boobay at Super Tekla na The Boobay and Tekla Show noong Linggo, sinabi niya na hindi niya makalilimutan ang nagdaang taon. Hindi kasi ito naging magandang taon sa kanyang buhay.

Sabi ni Allan, “Hindi ko talaga makalimutan, day 1 ng 2020, sabi ko, ‘This is the day, kaya i-claim niyong lahat, this is a good year kasi doble bente, bente, dobleng bente.

“So, ano yun, double whammy yun kumbaga. Pero Enero pa lang, pumutok na yung Taal, nasundan ng kung anu-anong trahedya.

“Nagpandemya ng March. Nagsara tayo, Klownz and Zirkoh.

“Namatay yung brother ko nung May, nasundan ng kapatid ko nung isa pa nung July. Tapos August, na-COVID ako. Ano ba ‘tong taon na ‘to, parang isinumpa?”

Mabuti na lang daw at malakas ang loob niya at hindi siya tinamaan ng depresyon.

“Pero kung siguro mahina-hina ako, tinamaan na rin siguro ako ng depression.

“Buti na lang nasanay na talaga ako mag-isa, simula’t sapul, strong na talaga akong tao. Never ako tinamaan ng depression.

“Kung hindi pa nga ako nag-guest sa Eat Bulaga, sa ‘Bawal Judgmental,’ hindi pa ako naiyak, e. Totoo. Sa lahat ng nangyari sa akin, wala akong iniyakan du’n. Doon ko lang nabuhos lahat.”