Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MARAMI ang nagulat sa viral photo nina Bea Alonzo at Alden Richards nung sila ay mga bata pa.
Mag-kalokalike sina Bea at Alden nung mga bata pa sila.
Mukha nga raw silang magkapatid at ‘di nga nakilala ng netizens ang dalawang bagets na viral ngayon sa social media.
At pati nga dimples ay parehong meron sina Bea at Alden. Timing naman na magsasama ang dalawa sa isang project na Pinoy adaptation mula sa Korea na Pure Soul.
Ayon sa netizen na marunong mag-face reading, baka sina Bea at Alden nga raw ang magka-soulmates.
Samantala, no way at wala na care si Bea sa pag- amin ng ex-bf na si Gerald Anderson at lalong wala siyang paki sa mga lambingan pics ng dalawa sa socmed.
***
Pokwang na-onse ng online seller
KAILANGANG ibalik ang bayad na inorderan ni Pokwang ng roaster oven sa online.
Pero kahit anino ng inorderan nito ng oven ay walang dumating.
Negosyo kasi ni Pokwang ang paggagamitan nito. Dahil need nito ng roaster oven eh umorder na lang ito sa ibang online seller.
Nagbigay-babala ito sa unang inorderan na kung hindi nga raw nito ibabalik ang pinambayad ng komedyana sa oven ay ibubulgar niya ang namesung nito.
Well, well, well…’Yun na!