Advertisers

Advertisers

Sunshine Cruz tatlong taon nagpahinga sa pag-arte dahil sa sakit

0 3

Advertisers

By Anne Venancio

Muling babalik sa pag-arte si Sunshine Cruz matapos ang tatlong taon pahinga dahil sa kanyang sakit na myasthenia gravis, isang autoimmune condition na nakaaapekto sa lakas ng kalamnan at nagdudulot ng mabilis na pagkapagod ng katawan.



Aminado ang aktres na kinailangan niyang tumanggi sa ilang proyekto noon upang unahin ang kanyang kalusugan at maiwasan ang posibleng komplikasyon sa trabaho. Kamakailan, pinayagan na siya ng kanyang neurologist na muling bumalik sa pag-arte sa isang teleserye.

Ibinahagi rin niya ang excitement sa muling pagharap sa kamera, lalo na’t makakatrabaho niya ang isang artistang matagal na niyang nais makasama. Nilinaw din niya na limitado muna ang kanyang tatanggapin na trabaho upang bigyang-prayoridad ang kanyang kalusugan.
Matatandaang huling napanood si Sunshine sa seryeng “Unbreak My Heart” noong 2023.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">