Advertisers

Advertisers

Belle at Andrea, puksaan sa Dyesebel

0 3

Advertisers

By ARCHIE LIAO

Sa isang interview, inamin ni Belle Mariano na open siya kung sakaling i-offer sa kanya ang iconic role ni Dyesebel.

Hirit pa niya, gagawin daw niya ang lahat para nabigyan ng hustisya ang pagsasabuhay sa nasabing mermaid character na minsan nang ginampanan nina Marian Rivera at Anne Curtis sa mga teleserye.

Sa isa namang portal, napag-usapan ito ng mga tsismosang kapitbahay.

May mga nag-react ding mga katkatera at sawsawera nang maging topic ito sa umpukan ng mga nagmamarisol.

“Di ba, dream role ni Andrea Brillantes ang Dyesebel?”
“Actually, bagay kay Belle ang Dyesebel dahil maamo ang kanyang mukha.”
“So, agawan sila sa Dyesebel?”
“Nagtake ng diving lessons si Blythe dahil bet na bet niya iyong role.”
“Parang lumabo na ang tsansa ni Andrea to bag the role mula nang lumayas siya sa ABS-CBN.”
“I think, malabong matuloy ito sa Kapamilya network dahil very expensive ang budget nito. Bukod sa walang franchise, nagtitipid din ang network.”
“Malay mo after her series with TV5, sugalan ni MVP si Blythe sa Dyesebel.”
“That would depend kung sino ang makakakuha ng TV rights ng iconic Mars Ravelo classic.”
“Mas wholesome ang image ni Belle kay Andrea. Para lang “The Little Mermaid.”
“Bagay iyong mala-Splash ang concept sa kanila.”
“Mas sexy si Andrea kay Belle.She’s perfect for the mermaid role.”
“Tanungin natin sina Marianita at Aning, kung kanino nila bet ipahiram ang mahiwagang kabibe.”
“May puksaan ang kanilang kafaneyan.”

Si Andrea ay napapanood sa seryeng ” A Secret in Prague” kasama si Enrique Gil.

Si Belle naman ay huling nagbida sa pelikulang “Tayo Sa Wakas” with screen partner Donny Pangilinan na umabot na sa 110 milyon ang kabuuang kita.