Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
PAGDATING sa lovelife ni Gerald Anderson ay lagi raw umiiral ang pagiging pakialamera to the max ng nanay ng actor.
Matatandaan, nang aminin nina Gerald at Bea Alonzo ang kanilang relasyon ay walang pakialam na sinabi ng mother dear ni Gerald na ayaw niya kay Bea para sa anak.
Ngayon naman sa relasyong Gerald at Julia Barretto ay bulung-bulungan na hindi rin daw boto ang mother dear kay Julia, current love ni Gerald.
Maugong din ang balita, kasalan na umano ang pinag-uusapan nina Gerald at Julia, lalo pa raw boto ang nanay ni Julia na si Marjorie Barretto sa aktor para sa anak.
Bukod sa magaling sumayaw ay walang duda na malakas ang dating ni Gerald na siya rin nitong asset kaya lapitin ng tukso.
Inalok siyang mag-artista at ang sumunod ay kasali na siya sa Pinoy Big Brother (PBB) Teen Edition at tinanghal siyang third placer.
Ang tinanghal na winner that time sa PBB Teen Edition ay si Kim Chiu na nakarelasyon din ni Gerald na nauwi rin sa hiwalayan.
***
JOSHUA PINAYUHANG ‘WAG PAGAMIT KINA GERALD AT JULIA
NAGLABASAN ang memes nang lumabas ang larawan na magkasama sina Gerald Anderson at Julia Barretto na hinalikan pa ng aktor ang gf na binati naman siya ng happy birthday.
Pero mas maraming reaction ‘yung larawan na kasama pa si Joshua Garcia na nakalabas ang dila para paghiwalayin sina Gerald at Julia.
May natuwa at may nadismaya lalo na ang fans ni Joshua na nakiusap pa sa mga gumagawa ng memes kasama ang mukha ng aktor na huwag na itong isama pa sa anumang sangkot sina Gerald at Julia.
Huwag nang idamay at patahimikin na raw sana si Joshua na wala namang sinasabi at hindi na nga raw nagpapa-interview.
May comment pa na, “huwag ka nang pagamit ha…leave a little respect for yourself! Dami nagmamahal sa `yo.”
May comment din na, “mabuti na lang inilayo ka ni Lord sa masamang element.”