Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MAS ninanamnam ni Piolo Pascual ang pananatili nito sa kanyang rest house sa Batangas kung walang trabaho kaysa manatili sa Maynila.
Pero nung magkaroon ng pandemic ay dumalas na nga roon si Papa P at nanatili ng pag-stay sa probinsya.
Bukod sa magagandang tahimik ay maraming bundok at tahimik pa.
Puro huni ng ibon at lawiswis ng hangin ang maririnig dagdag pa na walang polusyon kaya naman nag-enjoy na si Piolo sa bahay nito sa Batangas.
Kung sa Metro Manila nga kung wala itong work ay puro work out ang ginagawa nito para gumanda ang kanyang katawan.
Kakaiba naman ang ginagawa nito sa probinsya na talaga raw nadadalas na ito sa pamumundok.
***
Gerald Anderson ‘di kaya ang taping na walang uwian
SA bawa’t atake ni Gerald Anderson sa mga role na kanyang ginagampanan ay masasabing mahusay talaga.
Halos labing limang taon na rin ito sa showbiz kaya naman pinahinog na ito ng panahon.
Pero sa pagbabago ng sistema ng shooting o taping ngayon, tila naninibago ang aktor dahil sa health protocols.
Halos isang buwan at 3 weeks ay doon nga raw mananatili sa lock-in taping na walang uwian.
Kaya tila ‘di nito kinaya ang ganung style ng taping lalo na nga’t meron pang bagong project ang aktor, ang Init sa Magdamag.
Nag-react naman ang netizen sa work ni Gerald na hindi raw nito kaya ang walang uwiang taping dahil mami-miss nito ang dyowa na si Julia Barretto.
Well, well, well…’Yun na!