Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
MARAMING netizen ang natuwa sa Instagram Stories ni Sarah Geronimo na pino-promote niya ang harvest sa farm ng kanyang Mommy Divine.
“Freshly harvested organic fruits and vegetables from my Mama`s farm. Order now,” post ni Sarah.
Ang sumunod na post ni Sarah, vegetables and fruits na galing sa farm ni Mommy Divine na matatagpuan sa Cavite.
Pakiramdam ng netizens ay okey na ang mag-ina dahil may communication na sila. Kulang na lang ay magkita sila para makapag-usap at kalimutan na ang hindi magandang pangyayari sa kanilang dalawa.
Wish ng mga fans ni Sarah ay maging okey na rin sina Mommy Divive at mister ni Sarah na si Matteo Guidicelli para maging lubos ang kasiyahan ng singer-actress.
Sabi pa ng fans ng mag-asawang Sarah at Matteo, kung magkakayos na raw sina Mommy Divine at Matteo ay puwedeng sa farm na ni Mommy mag-angkat ng vegetable and fruits ang couple para sa kanilang restaurant.
Siguro ang kulang na lang ay magkaroon ng anak sina Sarah at Matteo dahil siguradong kapag binigyan nila ng apo si Mommy Divine ay lalambot nang tuluyan ang puso nito.
***
NAKA-post sa Facebook account ng Net 25, abangan kung sino ang makakasamang host nina Anjo Yllana, Boobsie Wonderland at CJ Hirro sa Happy Time.
May isang follower ang nag-comment na tila na-bash na si Kitkat dahil nakikipagsagutan pa rin ito. Hindi nagustuhan ni Kitkat ang comment na may attitude raw siya.
Nagkasagutan na sila sa wall ng Net 25 dahil gusto lang ni Kitkat ibinigay ang kanyang side.
May nagsabi na iyak nang iyak si Kitkat dahil tinanggal sa Happy Time at may nagsabi naman na sinasabi raw noon pa ng komedyana na gusto na nitong mag-resign sa nasabing noontime show.
Bakit daw ito nag-i-emote ngayon? Hindi lang sigurado kung totoo ito pero ang masaklap ay papalitan na nga sila ni Janno Gibbs ng isang regular host.
Ayon kay Anjo, si Dingdong Avanzado na raw ang ipinalit at regular na raw itong mapapanood sa Happy Time.
Ang hindi lang sigurado ay kung tuluy-tuloy na rin si Boobsie dahil may regular nightly din ito sa Net 25.
Well, sayang naman kung hindi na talaga makababalik pa sina Janno at Kitkat. Hirap pa naman sa panahon ngayon na nandiyan pa rin ang pandemic at marami ang walang project o show na pagkakakitaan.