Advertisers

Advertisers

DoH Sec. Duque sa pagtaas ng Covid-19: ‘POSIBLE MAG-LOCKDOWN!’

0 283

Advertisers

POSIBLENG irekomenda ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa gitna ng tumataas na bilang ng Covid-19 cases sa bansa.
Ito ang inihayag nitong Lunes ni Health Secretary Francisco Duque matapos makapagtala ng halos limang libong kaso ng Covid-19 kada araw sa nakalipas na linggo.
Ayon kay Duque, kung magpapatuloy ang pagtaas ng Covid-19 ay tiyak na irerekomenda ng IATF kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa ECQ ang quarantine status.
Hindi rin tiyak kung ang pagbabago sa quarantine status ay epektibo lamang sa Metro Manila, ang epicenter ng health crisis, o sa buong bansa.
Dagdag pa ng kalihim, nakakaalarma na ang pagsipa ng bilang ng covid cases kahit na inumpisahan nang ipatupad ang localized lockdown.
Maraming factors din, aniya, ang nakaapekto sa pagtaas ng covid cases kabilang na ang pagsulpot ng covid variants, ang paglabas ng mga tao matapos luwagan ang quarantine status at ang pagiging pabaya narin mismo ng mga mamamayan at hindi pagsunod sa minimum health protocols.
Umaasa rin ang kalihim na hindi mangyari ang projection ng OCTA research Team na aabot sa 8,000 ang daily cases sa katapusan ng buwan. (Jonah Mallari)