Advertisers

Advertisers

Pagbabakuna ng mayors para pataasin ang tiwala ng publiko ‘palusot’ lang

0 249

Advertisers

IGINIIT ni Senator Sherwin Gatchalian na palusot nalang at gawa-gawang dahilan ang dinadahilan umanong pagpapataas ng kumpiyansa ng publiko sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine ng mga alkaldeng nagpabakuna na kahit hindi naman kasama sa priority list na makatanggap nito.

Ayon kay Gatchalian, sa Hulyo pa darating ang bultong bakuna na inilaan para sa publiko kaya’t hindi pa rin naman mababakunahan ang mga ito sa ngayon.

“Palusot nalang at gawa-gawa nalang ‘yang dahilan. Kahit na mauna sila, ang publiko hindi naman makakakuha ng bakuna dahil hindi pa dadating ‘yan, July pa,” sinabi ni Gatchalian.



Nakadidismaya rin aniyang malaman na mayroong mga artista at kapwa pa ka-serbisyo publiko ang nauna pa aniyang isalba ang sariling buhay kaysa sa mga medical frontliners na mas prayoridad sa pagbabakuna.

Samantala, matatandaang ipinabatid din ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing nanganganib mawalan ng alokasyon ng libreng COVID-19 vaccine ang bansa mula sa Covax facility ng World Health Organization (WHO) dahil sa hindi pagsunod sa listahan ng mga prayoridad na mabakunahan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">