Advertisers

Advertisers

Covid update: 7,733 bagong kaso; 4,227 gumaling; 108 nasawi

0 369

Advertisers

NASA mahigit isang milyon ang mga pasyente na gumaling na mula sa COVID-19 sa Pilipinas.
Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH), hanggang 4:00 ng hapon nitong Biyernes, Mayo 7, ay nakapagtala pa sila ng karagdagang 4,227 bagong COVID-19 recoveries dahilan para umabot na ngayon sa 1,003,160 ang kabuuang bilang ng COVID-19 survivors sa bansa.
Ang naturang bilang ay 92.2% ng 1,087,885 total COVID-19 cases na naitala sa bansa hanggang nitong Biyernes.
Sa naturang kabuuang bilang naman ng sakit, nasa 18,099 o 1.66% naman ang mga sinawimpalad na bawian ng buhay matapos na madagdagan pa ng 108.
Samantala, nasa kabuuang 66,626 o 6.1% pa ang nanatiling aktibong kaso, matapos na madagdagan pa ng 7,733 bagong kaso nitong Biyernes.
Karamihan naman sa mga aktibong kaso o 94.4% ang mild cases lamang; 2.0% ang asymptomatic o walang nararanasang sintomas; 1.1% ang kritikal; 1.5% ang severe cases at 0.98% naman ang moderate cases. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)