Advertisers

Advertisers

Sylvia Sanchez unfading beauty kahit Golden Girl na

0 281

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

NAKABIBILIB ang post ng birthday celebrant na si Sylvia Sanchez sa kanyang Instagram account na ipinagmalaki nito na 50 yrs old na at golden girl na.

Yes, kung ang iba takot malantad ang kanilang edad si Sylvia ay hindi. Well, golden girl man si Ibyang (tawag namin sa kaibigang aktres) ay unfading ang beauty niya and she look at her 40’s lang.



Narito ang post ni Sylvia sa kanyang IG na pinasalamatan niya ang lahat ng nakaalalang batiin siya sa kanyang natal day. “Yes, I’m 50!! I’ve been waiting to turn 50 so I could slowly experience being a golden girl (smiley emoji) super grateful  to have been able to celebrate with my loved ones and even more grateful to have been remembered by all those sent their birthday love-thank you so much. Much love to all of you (heart and 2 smiley emoji) #happy50 #blessed #grateful #thankuLORD Happy evening everyone.

Umani ng 35,557 likes and 515 comments and counting ang nasabing birthday messages for Sylvia.



***

Number One Fan Ni Nora Aunor Sa Beyone New Jersey, USA May Handog Na Tula Sa Superstar



Isa sa reason kung bakit parating nakatutok sa mga showbiz vlog, kabilang na ang aming solo Vlog na “Chika Mo Vlog Kabog” ay inaabangan ni Ma’am Loida Conte ng Beyone New Jersey, USA ang balita tungkol sa ilang dekada na niyang idolo na si Ms. Nora Aunor.

At dahil sa sobrang paghanga sa Superstar ay ginawan niya ito ng tula na handog niya o regalo para sa kaarawan ni Ate Guy na nag-celebrate ng kanyang birthday last May 21.

Kwento pa ng friendship naming si Ma’am Loida ay teenager pa lang siya ay tagahanga na siya ni Ate Guy at talagang bumibili pa siya ng pictures nito at halos lahat ng pelikula ng Superstar ay kanyang pinanood at suportado niya ang Guy and Pip Loveteam.

Narito aming ilalathala ang nasabing poem ni Ma’am Loida na para sa Nag-iisang Superstar ng local showbiz:

BUKOD TANGING NAMUMUKOD KA SA BOSES AT IYONG MGA MATA

Una mong inagaw ang aking atensiyon sa iyong boses sa pagkanta

Pinukaw ko ang aking pandinig at nabato balani sa iyong mga awit

Tumatagos sa aking puso at damdamin habang ikaw ay kumakanta

Ikaw ay may taglay na ginintuang boses at ikaw lang naiiba sa lahat

Bukod kang pinagpala magkaroon ng natatanging talino sa pagkanta

Sa bawat awit mo ay may taglay na ligaya o lungkot at hugot o kirot

Wala akong sawa sa pakikinig nang iyong mga awitin at ako ay napapasabay

Sa pag-ulit ng pagtugtog ay napapakanta na ako at nakabisado ang lirika nito

Koleksyon kong bumili ng mga awit mo sa plaka, tapes o cd at pati sa songhits

Ang kasabihan na kung may gusto ay gagawin ang lahat upang makamit ito

Kahit ang kahirapan ay hindi sagabal matupad lang ang iyong pinapangarap

Sa yong pagsisikap at tiyaga ay napagtagumpayan ang pagtulong sa pamilya

Nang magsimula kang mag artista ako ay natuwa at makita ka sa pelikula

Ang mga mata mo’y nangungusap at pinapakita kung ano ang kaganapan

Tunay na natural ang talento mo sa iyong mga galaw o pagkilos mo lamang

Isinasabuhay mo ang iyong binibigkas na mga linya at totoong nanggagaling sa puso

Ibibigay mo ng todo-todo sa pag-arte at higit pa sa hinihingi ng Direktor sa pelikula

Mas gusto simulan ang mahirap na eksena para damhin kaagad ang iyong karakter

Alam niya mga sining na ginagalawan at talentong tunay na bigay ng Diyos

Gusto niyang tumanggap na matapang o mapangahas na papel sa pelikula

Isapuso at maramdaman ang kaeksena upang magtugma ang pagganap nila

Composed for Phenomenal Star Nora Aunor.