Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA bagong vlog ni Bea Alonzo ay nag-tour ito kasama ang kanyang followers sa ipinagawang gym.
Habang may virus pa nga sa bansa naisipan ni Bea na magpatayo ng sariling gym.
Sa kabila ng ipinatutupad na health protocols dahil sa pandemic ay maganda nga raw na maging fit, sexy at healthy ang body ni Bea.
At sa pag-tour ni Bea sa kanyang followers nakiusap naman ito sa bashers na wag din siya i-body shame.
Kita naman na okey ang pangangatawan ni Bea, ang dating studio room sa kanilang bahay ang ipina-renovate ni Bea.
Nalaman din na plantita ang aktres dahil sa mga nakaikot na halaman sa gym nito.
Habang wala pang work at ayaw pa naman mag-work ni Bea dahil sa pandemic ay dalawa ang tinututukan nito, ang sariling farm at itong gym.
Idadaan na nga lang daw ni Bea sa pagpapaganda ng katawan para malimutan ang nagtaksil na ex.
***
Frankie, pinabulaanan sumingit sa pila ng bakuna
TRENDING na naman ang anak nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan hingil sa pagsingit umano nito sa pila ng bakuna.
Pero sa tweet ni Frankie Pangilinan ay wala nga raw ganun na nangyari dahil lahat naman ay gusto mabukanahan para maprotektahan ang sarili laban sa sakit na Covid-19.
May natanggap nga raw na text ito mula sa Makati Government na siya ay qualified na sa bakuna.
Never naman ginamit ni Frankie na siya ay anak ni Megastar at Senator Kiko at wala daw ganun na power trip.
Kaya maloka-loka na lang si Frankie na nag-trending na naman siya sa socmed na parang si Alice Dixson na naging priority daw at nabakunahan na agad.
Pagdidiin ni Frankie na wala raw nangyari na singitan sa pila.
Well, well, well…’Yun na!