Advertisers
CAGAYAN – Arestado isang enhinyero matapos mabilhan ng iligal na droga sa buy bust operation ng pulisya sa Prov’l. Road, Buntun, Tuguegarao City dito sa lalawigan.
Kinilala ni Police Lt. Col. Jhonalyn Tecbobolan, hepe ng Tuguegarao City Police, ang nadakip na si Robert Yquin, 64 anyos, may-asawa, isang civil engineer, ng Ugac Norte dito sa nasabing lungsod.
Ayon kay Col. Ariel Quilang, director ng Cagayan Police Provincial Office, ang ope-rasyon ay isinagawa ng mga elemento ng PUI/PDEU CPPO at Tuguegarao Police.
Si Yquin ay isang ‘High Value Individual (HVI) Regional Priority 10 sa ilalim ng CPPO ‘Coplan Enhinyero’.
Nakuha sa pag-iingat ni Yquin ang isang pakete ng shabu at marked money matapos bentahan ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Kinumpiska rin sa engineer ang kalibre .45 Norinco at black Toyota Avanza (NOX 665). (Rey Velasco)